GMAWD Blood Letting Activity

Events Images: 

Bagamat ang General Mariano Alvarez Water District (GMAWD) ay nangunguna sa pagbibigay ng serbisyo patubig sa ating bayan, Ang GMAWD, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga organisasyon at mga interesadong indibidwal sa pangunguna ng Cavite Blood Council, GMA Holy Family Lions Club, PREX GMA, Cavite, KKMK, Solidarity Riders Club, GMAWD Riders Club, ay nagsagawa ng Blood Letting Activity bilang bahagi ng GMAWD Corporate Social Responsibility. Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni GM Juliet M. Nacita sa kadahilanang naniniwala sya na katulad ng tubig, ang dugong inialay ng mga qualified donors ay maituturing din na buhay. Ang ganitong gawain ay naglalayong magpakita ng ugnayan, pagmamalasakit, pakikipagtulungan  at upang maipakita na ang bawat nilalang ay may kakayanang tumulong sa ano pa mang kapamaraanan. Katulad ng tubig, ang dugo ay buhay kaya’t ito’y pahalagahan ng buong husay.