LAKBAY-ARAL Baliwag Water District Septage Treatment Facility

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng General Mariano Alvarez Water District (GMAWD) sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, ang GMAWD ay nagsagawa ng Lakbay-Aral sa Baliwag Water District Septage Treatment Facility, Baliwag, Bulacan noong Hunyo 10, 2016. Ito ay dinaluhan ng Board of Directors at piling mga Kawani ng GMAWD sa pangunguna ni GM Juliet Nacita. Kasama rin sa nasabing Lakbay-Aral ang Punong Bayan ng GMA, Cavite na si Hon. Walter D. Echevarria, Jr., ilang mga Sangguniang Bayan Members at mga piling Department Heads ng lokal na pamahalaan ng GMA, Cavite. Ang nasabing pasilidad ay naayon sa Republic Act 9275 na kilala rin bilang “Philippine Clean Water Act of 2004” na naglalayong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maitaas ang antas ng kalidad ng tubig na ginagamit ng buong bayan at nasasakupang mga mamamayan.

News Image: