GMAWD Thanks Giving Mass

Events Images: 

Matapos isagawa ang GMAWD Team Building sa Baguio City noong Abril 13, 2016, idinaos ang Misa ng Pasasalamat sa Parokya ng Banal na Mag-Anak noong Abril 14, 2016 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-27 taong anibersaryo ng General Mariano Alvarez Water District (GMAWD). Sama-samang dumalo sa Banal na Misa ang kawani at mangagawa ng GMAWD bilang simbulo ng pagkakaisa, pasasalamat at pagpapakita na ang tunay na sandigan ng nasabing ahensya ay ang Panginoon na nagbibigay ng ibayong pag-iingat at katagumpayan sa lahat ng mga plano at mithiin nito.