Mas Pinalawak na Serbisyo

Patuloy ang GMAWD sa pagpapalawak ng serbisyo nito sa paghahatid ng tubig sa bawat tahanan. Kaya naman sinisikap nito na abutin ang bawat lugar sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga linya ng tubig. Sa pagtutulungan ng pamunuan at ng Engineering Division ng GMAWD, nailatag ang mga karagdagang linya ng tubig sa ilang barangay katulad ng Poblacion 1, Poblacion 4, at Brgy. Pulido. Inaasahang marami pang expansion project ang isasagawa sa hinaharap.

News Image: