GMAWD Sportsfest 2013

Events Images: 

Atletang GMAWD : Kaagapay sa Mayamang Kalikasan, Maunlad na Patubig at Malusog na Pamayanan” ang paksa ng GMAWD Sportsfest 2013 na  pinasimulan noong Pebrero 27 hanggang Abril 14, 2013. Ang GMAWD ay  naniniwala na ang magandang kalusugan ay tunay na yaman, kaya sinusuportahan nito ang mga gawaing magsusulong sa pagpapanatili ng magandang kalusugan at magtataguyod ng magandang pagsasamahan katulad ng palakasan. Matapos ang halos dalawang buwan ng masayang paligsahan, ang Yellow Team ang tinanghal na champion,  1st  Runner-Up  ang Red,  2nd Runner-Up ang Blue, at 3rd Runner-Up naman ang Green.