Ang Water Lab ng GMAWD
Pangunahin sa tungkulin ng GMA Water District ang maghatid ng masaga-nang daloy ng tubig na isinasaalang-alang higit sa lahat ang kalinisan nito. Sapagkat dito nakasalalay ang kalusugan ng buong pamayanan; dumadaan ito sa maingat na pagsusuri upang matiyak ang kalinisan ng
tubig na dumadaloy sa bawat tahanan. Noon, isang beses sa isang buwan ay dinadala ang water sample mula sa mga pump stations sa Dasmariñas Water District upang ipasuri ito sa kanilang laboratory. Ngunit ngayon, sa tulong ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ay nagka-roon ng sariling “Portable Equipment for Water Quality Testing and Monitoring” ang GMAWD na nagkakahalaga ng P1.1 Million. Ang 80% ng halaga nito ay ipinagkaloob ng LWUA ng libre at ang 20% naman ay loan na babayaran sa loob ng tatlong (3) taon na
walang interest. Kaugnay nito, nagtayo ng sariling Water Testing Laboratory ang GMAWD na matatagpuan sa Tirona Pump Station.
Bilang paghahanda sa operasyon ng laboratoryo, dumalo sina Leonardo N. Baguhin Jr. at Rolex R. Puyong sa pangu-nguna ni GM Juliet M. Nacita sa isang pagsasanay tungkol sa “Mobi-H2O Portable Testing Equipment”.Ang naturang training ay tumuon sa wastong paggamit ng mga laboratory equipment at mga tamang hakbang sa pagsusuri ng tubig.

- Log in to post comments