24th Year GMAWD Anniversary

“24 na Taong Walang Humpay na Serbisyo ng GMAWD sa Bayan; Biyayang Dumadaloy sa Bawat Tahanan” – ang paksa sa pagdiriwang ng ika-24 na taong anibersaryo ng GMA Water District noong April 14, 2013. Mainam na inilalarawan ng paksang ito ang mga paglilingkod ng GMAWD sa bayan ng GMA sa loob ng mahigit dalwang dekada.  Ang general manager nito na si GM Juliet M. Nacita at ang buong pwersa ng Board of Directors na sina Rosalinda P. Ancero, Michael I. Torres, Mely S. Mojica, Cesario R. Mullet, Iluminada V. Fabroa, at Antonio B. Magtibay kaisa ng lahat ng mga kawani ay hindi tumitigil upang pag-ibayuhin pa ng higit ang pagseserbisyo sa bawat tahanan na makapagbigay ng malinis at masaganang daloy ng tubig.

Ilang programa ang inilunsad bilang paraan ng pagbabalik sa tao ng pasasalamat sa kanilang walang sawang pagtangkilik. Kabilang dito ang Clean-up Drive, GMAWD Sponsored Wedding, English Enhancement Program Graduation, Seminar on Panel Control and Maintenance, Blessing and Inauguration of Pump Station No.1, Corporate Solidarity Night & Awarding Ceremony of GMAWD Sportsfest 2013 at parangal sa mga natatanging empleyado.

Sa lahat ng minamahal naming tagapagtangkilik, asahan po ninyo ang aming buong pusong paglilingkod at higit pang pagsusumikap upang ang aming pagseserbisyo ay maging lubos na kasiya-siya sa inyong lahat.

News Image: